Umakyat na sa 111 katao ang nasawi habang marami ang sugatan matapos tumama ang magnitude 7.4 na lindol sa kanlurang bahagi ng Colombia.
Ang lindol ay may lalim na 96 kilometro ayon sa Colombian Geological Service.
Pinakamaraming nasawi sa Pereira, kung saan iniulat na 18 katao ang namatay.
Tatlo naman ang nasawi sa kalapit na Manizales, habang isang tao ang nasawi sa Buenaventura matapos gumuho ang isang gusali.
Sa Cali, mahigit dalawang dosenang istruktura ang gumuho at may mga taong na-trap sa ilalim ng mga guho.
Naramdaman ang pagyanig sa lahat ng 32 departmental capitals ng Colombia.
Naramdaman din ang pagyanig sa mga kalapit na bansang Venezuela, Ecuador at Panama
Pansamantalang sinuspinde ang mga operasyon sa ilang paliparan sa Pereira, Manizales, Quibdo, Armenia, Cartago at Buenaventura habang sinusuri ang mga gusali para sa posibleng structural damage.
Nagbabala rin ang mga awtoridad sa posibleng aftershocks.










