Nagpaabot ng pagbati ang Senado ng Pilipinas sa Filipino tennis sensaion na si Alexandra “Alex” Eala ngayong Martes, Agosto 4, matapos niyang masungkit ang makasaysayang kampeonato sa Mubadala DC Open, daan para itanghal bilang kauna-unahang Pilipino na nanalo ng WTA 500 singles title.
Bago pormal na magsimula ang ika-12 araw ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, naglaan ng oras si Trial Presiding Officer Francis “Chiz” Escudero at ang buong lupon ng mga senador upang bigyang-pugay ang 21-anyos na tennis star.
Ayon kay Escudero, nagkakaisa sila sa pagpupuri sa tagumpay ni Eala na nagdala ng labis na karangalan sa buong sambayanan.
“Sa ngalan ng Senado, ng mga senator-judges, mga kawani ng Senado, sa ngalan ng magkatunggaling partido ng impeachment trial, nais naming ipabatid ang aming nagkakaisang pagbati kay Bb. Alex Eala sa kaniyang panalo at kampeonato sa DC Open. Tunay na ikinararangal at ipinagbubunyi ka naming lahat,” saad ni Escudero.
Natalo ni Eala ang World No. 3 na si Jessica Pegula na naging daan para masungkit niya ang kampeonato sa naturang laro.










