Dagupan City – Patuloy na pinalalakas ng Basista Municipal Police Station ang kampanya nito para sa pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan sa pamamagitan ng pagsasagawa ng mobile patrolling sa iba’t ibang bahagi ng bayan.

Pinangunahan ang aktibidad ng mga tauhan ng Basista MPS sa ilalim ng pamumuno ni PMaj Brylle Dave P. Dong-oc, Chief of Police.

Layunin ng mobile patrolling na mapataas ang presensya ng kapulisan sa komunidad, mapigilan ang mga posibleng gawaing kriminal, at matiyak ang kaligtasan at seguridad ng publiko.

--Ads--

Sa pamamagitan ng regular na pagpapatrulya, mas napapadali rin ang agarang pagtugon ng mga pulis sa anumang insidente o pangangailangan ng mamamayan sa kanilang nasasakupan.

Nakatutulong din ito sa pagpapalakas ng tiwala ng publiko sa law enforcement at sa pagpapanatili ng maayos na kaayusan sa mga barangay.

Ayon sa Basista MPS, bahagi ang mobile patrolling ng kanilang tuloy-tuloy na programa upang mapanatiling ligtas ang komunidad at mabigyan ng mabilis na serbisyo ang mga residente ng bayan.

Patuloy namang hinihikayat ng kapulisan ang publiko na makipagtulungan sa mga awtoridad sa pamamagitan ng pag-uulat ng anumang kahina-hinalang aktibidad upang higit pang mapalakas ang seguridad at kapayapaan sa Basista.