Arestado ng mga tauhan ng Urbiztondo Police Station ang isang wanted person sa isinagawang operasyon sa bayan ng Urbiztondo, Pangasinan bandang alas-5:30 ng hapon.

Kinilala ang nasakoteng suspek na isang 47-anyos na residente ng San Carlos City, Pangasinan. Ayon sa pulisya, inaresto ito sa bisa ng warrant of arrest na inilabas ng First Judicial Region, Branch 77 sa San Carlos City kaugnay ng kasong syndicated estafa in relation to Republic Act 10175 o Cybercrime Prevention Act.

Nabatid na walang inirekomendang piyansa para sa pansamantalang paglaya ng akusado.

--Ads--

Sa kasalukuyan ay nasa kustodiya na ng Urbiztondo Police Station ang suspek habang isinasagawa ang kaukulang disposisyon at legal na proseso.