Maagang pinaghahandaan ng mga nasa industriya ng bangus ang posibleng epekto ng Super El Niño na maaaring maranasan sa unang bahagi ng 2027.
Kabilang sa mga naging talakayan sa isinagawang Third Bangus Congress ang mga teknolohiyang maaaring makatulong sa mga bangus operator, partikular sa pagpapatuloy ng kanilang produksyon sa kabila ng mga hamon na maaaring idulot ng matinding init at iba pang epekto ng El Niño.
Ayon kay Aldo Sibayan, kinatawan ng industriya ng bangus at nahalal bilang Vice President for Northern Luzon ng Philippine Milkfish Industry Group, kabilang sa mga natalakay ang ilang technological innovations na maaaring magsilbing paghahanda ng sektor sa inaasahang kondisyon ng panahon.
Patuloy ngayon ang paghahanda at pakikipag-ugnayan ng mga stakeholder ng industriya at mga ahensya ng pamahalaan upang matukoy ang mga kinakailangang teknolohiya, kagamitan at programa para sa mga bangus operator.
Sa harap ng posibilidad ng Super El Niño sa 2027, mahalaga para sa sektor ang maagap na pagpaplano upang maprotektahan ang produksyon at kabuhayan ng mga umaasa sa industriya ng bangus.










