Pinatawag na ng Department of Foreign Affairs (DFA) si Chinese Ambassador Jing Quan dahil sa nakakabahalang pahayag nito.

Sinabi ni DFA Secretary Theresa Lazaro, na hindi katanggap-tanggap ang pahayag ng Ambassador.

Dagdag pa nito na ang nasabing pahayag ay makakasira sa ginagawang hakbang ng Pilipinas at China para sa magandang kooperasyon.

--Ads--

Una ng sinabi ni Jing Quan na madaling magwawagi ang China laban sa Pilpinas kung gagamit sila ng puwersa sa West Philippine Sea.

Dahil dito ay inalamahan ng mga mambabatas ng bansa ang naging pahayag ni Jing Quan.

Nagpasa naman ang mga mambabatas na ideklarang persona non grata laban sa Chinese official.