Pinalalawak ng The Medical City Pangasinan ang pasilidad nito, kabilang ang emergency room (ER), bilang bahagi ng pagpapahusay sa kapasidad ng ospital na tumugon sa pangangailangang medikal ng mga pasyente.

Kasalukuyang ginigiba ang dating emergency room upang bigyang-daan ang nakaplanong pagpapalawak. Bahagi ito ng mga hakbang ng ospital na pagbutihin ang pasilidad at serbisyong medikal na ipinagkakaloob sa mga pasyente.

‎Inaasahang tututok ang proyekto sa pagpapahusay ng kakayahan ng ospital na tumugon sa mga nangangailangan ng agarang atensiyong medikal.

--Ads--

Saklaw ng pagpapaunlad ang layuning mapataas ang kalidad ng serbisyong pangkalusugan para sa mga residente ng Pangasinan at iba pang pasyente mula sa Ilocos Region