Dagupan City – Natupok ang dalawang bahay sa Brgy. Nalsian, Calasiao, kagabi Marso 30. Parehong dalawang palapag ang mga bahay na gawa rin sa light materials kaya ganun na lamang kabilis kumalat ang sunog.
Ayon kay Maricris Tamondong, isa sa mga may-ari ng nasunog na bahay, lumabas siya para bumili ng gamot pero bago iyon ay kanyang tinayak na walang maiiwang nakasaksak sa kanilang bahay.
Habang naglalakad palabas, may mga tao nang nagtatakbuhan at ayon aniya sakanila ay may nasusunog na bahay.
Dito sina siya kinutuban ngunit hindi niya rin inakala na bahay na nila ang nasusunog kaya agad siyang bumalik at pagbalik niya ay malaki na ang apoy.
Samantala, tumagal ng humigit-kumulang dalawang oras bago tuluyang naapula ang sunog.
Bagama’t walang nasaktan, marami ang nawalang gamit tulad ng dalawang motor, appliances, mahahalagang papel, at pera. Tinitignan naman na ang pinagmulan ng nasunog ay may naiwang nakasaksak sa kabilang bahay.
Sa kasalukuyan, hindi pa matiyak ang kabuuang pinsala at kung may matatanggap silang tulong.
Humihingi naman ang mga residente ng suporta upang makapagsimula muli at mapunan ang mga nawalang kagamitan.










