DAGUPAN CITY- Nakalusot ang TNT Tropang 5G sa isang dikdikang laban matapos ang mainit na pagbabalik ni RR Pogoy, na agad bumida sa Game 1 ng PBA Philippine Cup Finals kontra San Miguel Beermen.
Nagpakawala si Pogoy ng 23 puntos kabilang na ang isang crucial na tres sa huling 1:04 minuto ng laro, na siyang tumulong upang maitabla muli at maagaw ng Tropa ang momentum tungo sa 99-96 panalo.
Sa husay ni Pogoy sa long-range shooting, kabilang ang mga tira mula sa three-point at four-point lines, lumamang ng hanggang 24 puntos ang TNT, 67-43, sa ikatlong yugto ng laban.
Ngunit hindi basta sumuko ang Beermen, sa pangunguna nina June Mar Fajardo at Chris Ross, kumamada ang San Miguel ng 22-2 run sa pagbubukas ng ikaapat na yugto upang maagaw ang kalamangan, 96-94.
Hindi naman nagpatinag si Pogoy at agad na binasag ang momentum ng SMB sa pamamagitan ng kanyang ikatlong tres sa laro, na muling nagbigay ng kalamangan sa TNT.
Sa kabila ng pagkatalo sa fourth quarter scoring, 14-30, naipanalo pa rin ng Tropang 5G ang Game 1 at nakuha ang 1-0 na kalamangan sa best-of-seven series.