DAGUPAN CITY- Iginiit ni US Vice President JD Vance na hindi nakikipagdigma ang Estados Unidos sa Iran, sa kabila ng malawakang airstrikes sa mga nuclear facility ng bansa kagabi.
Nang tanungin kung tuluyang nawasak na ang nuclear program ng Iran, sinabi ni Vance na malaki ang naging pinsala sa nuclear programa matapos ang mga pag-atake.
Aniya, maaaring taon o higit pa bago makagawa muli ng sandatang nuklear ang Iran, kung nanaisin man nila.
--Ads--
Habang nananatiling maingat sa eksaktong lawak ng pinsala, pinaninindigan nina Vance at President Trump na natupad ang pangunahing layunin ng operasyon, ang pahinain at pigilan ang anumang posibilidad ng agarang nuclear capability ng Iran.