Ikinatuwa ng August Twenty-One Movement (ATOM) ang hindi paglagda sa Pax Silica framework agreement sa isinagawang pagbisita ni United States President Donald Trump sa Pilipinas.
Ayon kay Voltaire Bohol, pangulo ng ATOM, positibong hakbang ang hindi muna pagpapatupad ng kasunduan dahil wala umanong sapat at makabuluhang konsultasyon sa mga Pilipinong posibleng maapektuhan ng proyekto.
Binigyang-diin ni Bohol na hindi tutol ang kanilang grupo sa pag-unlad ng ekonomiya, subalit hindi dapat isakripisyo ang kapakanan, kabuhayan at lupang ninuno ng mga magsasaka at katutubo para lamang maisakatuparan ang mga proyektong pangkaunlaran.
Umaasa ang grupo na pakikinggan ng pamahalaan ang mga hinaing ng publiko at magsasagawa muna ng malawakang konsultasyon bago isulong ang anumang kasunduan kaugnay ng Pax Silica.










