Nasawi ang isang pulis sa bayan ng Sta. Barbara matapos pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang suspek.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay PCapt. Aileen Catugas, PIO, Pangasinan PPO nagsasagawa ng drug surveillance ang biktima sa isang drug personalities ng mangyari ang insidente.
Aniya na miyembro ng Inter-operative and Drug Enforcement Team ang biktima.
Kung saan naisugod pa ito sa ospital ngunit pumanaw noong April 23 dahil sa mga tinamong sugat.
Sa kasalukuyan ay mga persons of interest na at patuloy din ang kanilang isinasagawang follow-up investigations at maging backtracking sa naturang lugar.
At ani Catugas na gagawin ng kapulisan ang lahat ng kanilang makakaya upang mabigyan ng hustisya ang kanilang nasawing kasamahan.
Samantala, panawagan nito sa publiko na kapag may napansin na kahina-hinala ay huwag mag-atubiling magreport sa kapulisan upang mabigyan ng agarang aksiyon.