DAGUPAN CITY- Sugatan ang isang 23 anyos na lalaki sa bayan ng San Fabian matapos mabangga ang isang puno pasado ala una ng madaling araw, araw ng lunes.

Ayon kay PLtCol. Danilo Perez, Chief-of-Police ng San Fabian PNP, bandang ala-1:35 ng madaling araw ng mangyari ang insidente kung saan ang biktima ay kinilalang si John Victor Apostol Sion, 23 anyos,

Batay sa unang imbestigasyon ng Pulisya, habang ang biktima ay binabaybay ang kurba sa Sitio Cabanlig gamit ang kanyang tricycle. Nawalan siya ng kontrol sa manibela ng sasakyan na nagresulta sa pagkabangga ng tricycle sa isang puno, dahilan upang mawalan ng balanse at mag-overturn ang nasabing sasakyan.

--Ads--

Bilang resulta ng aksidente, tumilapon mula sa tricycle si Sion at nagtamo ng malubhang sugat sa iba’t ibang bahagi ng kanyang katawan. Agad siyang isinugod sa pagamutan at kasalukuyan ng nagpapagaling

Habang ang kanyang tricycle ay nagkaroon ng malaking pinsala at kasalukuyang hawak ng pamilya ng biktima upang mapangalagaan ang mga bagay kaugnay ng insidente.

Samantala, nagpapatuloy naman ang ginagawang imbestigasyon ng mga awtoridad upang matukoy ang iba pang detalye ng aksidente.