Mga Kabombo! Isa ka rin ba sa mga naiintimadate sa mga pulis dahil sa kanilang uniporme?

Nakakaramdam ka rin ba ng takot tuwing nandiyana ng kanilang presensya?

Naku! mukhang hindi iyan uubra dahil isang drug trafficker sa Peru ang hindi makapaniwala nang siya’y arestuhin ng isang pulis na nakasuot ng capybara costume sa isang raid.

--Ads--

Sa isinagawang operasyon ng Escuadron Verde, Peru, inaresto ang suspek matapos makumpiska dito ang mahigit 1,700 pakete ng cocaine at marijuana.

Ang nasabing special unit ay kilala sa kanilang kakaibang estilo ng pag­salakay gamit ang mga costume tuwing espesyal na okasyon.
Dahil sa kumalat na video ay kinaaliwan ang pangyayaring ito.