Kabombo! Mahilig ka rin bang makinig at makisabay sa musika? Baka isa ka rin sa mawili sa isang female club DJ ng Japan!

Hindi na nakagugulat ang pangarap na maging DJ ni Illumi Maeda sa murang edad dahil sa kinalakhang musika sa kanilang tahanan.

Ngunit ang nakamamangha, ay ang pagkakatanghal ni Illumi bilang “youngest female club DJ” sa edad na anim na taong gulang.

--Ads--

Ayon kay Illumi, ang pagmamahal niya umano sa musika ay dahil din sa hilig sa kaniyang pamilya dahil na madalas na makinig at sumabay sa iba’t ibang genre at unti-unting tinuruan ng mga kaibigang DJ ng kaniyang ina sa tuwing nagtitipon ang mga ito sa kanilang tahanan.

Dagdag niya, naniniwala siya sa “healing powers” ng musika na nagbibigay ginhawa sa emosyonal na kalagayan ng mga tagapakinig nito.

Gayunpaman, bitbit ang pandaigdigang rekord at ang pagmamahal niya sa tunay na diwa ng musika, pangarap umano ni Illuma na maging isang DJ na gumagawa ng musikang nagpapasaya at nagbibigay ginhawa sa kabila ng mahirap na panahon para kaniyang mga takapakinig nasaan man silang bahagi ng mundo.