Kabombo! Tagisan sa palakasan at patagalan ba ang hanap mo?
Diyan hindi magpapahuli ang 61 anyos na fitness enthusiast na sumailalim sa limang oras na abnominal plank sa Utah.
Kung saan hinigitan ni Donna Jean Wilde ang sariling record sa dalawang pang malakasang talaan ng Hunstman World Senior Games at Guinness World Record.
--Ads--
Ayon kay Kyle Case, punong ehekutibo ng Hunstman World Senior Games,ang tagumpay ni Wilde ang isang patunay sa kung ano ang tunay na diwa ng senior games.
Ito rin umano ang isang tanda ng pagkilala na sa kabila ng katandaan maaari pa ring maipagpatuloy ang mga bagay na ginagawa mo lalo na sa pakikipagsabayan sa larangan ng palakasan.










