Sa pamamagitan ng pagiging malikhain, nagbigay ng makabuluhang inspirasyon si David Aguilar sa mga kapwa may kapansanan sa pamamagitan ng prosthetic arm.

Ang imbentor na mula sa Adorra ay ipinanganak Poland syndrome o isang congenital na sakit na pumigil sa kaniyang kanang bisig upang ganap na mag develop.

Kung saan sa murang edad na siyam, pinatunayan ni David ang taglay na galing sa inhinyera nang makagawa ito ng sariling prosthetic arm mula sa LEGO bricks na nahanap lamang niya sa kahon ng kaniyang mga laruan.

--Ads--

Mula sa yugtong ito ng buhay ni David, nagpatuloy pa ang kaniyang hilig sa paglikha na umabot sa ilang pagkilala bilang “Hand Solo.”

Kasunod nito, lalo pang lumalim ang dedikasyon ni David na nag udyok sa kaniyang misyong magbigay inspirasyon sa mga kapwa may kapansanan kung saan sa edad na 26 anyos ay gumagawa na rin siya ng mga LEGO arms para sa iba, nagbigay ng inspirasyonal na pahayag sa NASA, nakasulat ng libro at nakapaglikha ng video game kasama ang kaniyang supportive na ama.

Samantala, taong 2021 naman nang malikha ni David ang “first functional foot-controlled LEGO prosthetic arm” at ang “first functional LEGO prosthetic arm with a stylus” para sa walong taong gulang na si Beknur Zhanibekuly mula sa Kazakhstan na ipinanganak ding may under develop arms.

Kalunan, lalo pang umunlad ang mga makabuluhang likha ni David at naging motorisado ang kaniang nagawang prosthetic arm na may limang daliring kaya niyang kontrolin sa pamamagitan ng bahagyang paggalaw sa kaniyang braso.