Isang pambihirang pagtuklas sa kalawakan ang nagbigay-pansin sa mga astronomo matapos matukoy ang isang bituin na nagpapakita ng kakaibang berdeng kulay, na iniuugnay sa mga labi ng mga planetang nilamon nito.
Ayon sa mga mananaliksik, ang bituing WD J1330+6435 ay tinatayang nasa 284 light-years ang layo mula sa Daigdig at may temperaturang nasa 4000 Degree Celsius.
Natuklasan na ang sodium mula sa mga labi ng mabatong materyal ng mga planeta ay sumisipsip ng liwanag sa bahaging kulay kahel, dahilan upang magmukhang berde ang bituin.
Sinuri rin ng mga astronomo ang 151 white dwarf stars upang mas maunawaan kung paano naaapektuhan ng komposisyon ng kanilang atmospera ang kulay ng liwanag na nagmumula sa mga ito.
Ipinapakita ng pag-aaral na hindi lamang temperatura ang nakaaapekto sa kulay ng isang bituin, kundi pati ang mga elementong bumubuo sa atmospera nito. Nagbibigay rin ito ng bagong kaalaman tungkol sa ebolusyon ng mga bituin at sa posibleng kapalaran ng mga planetang umiikot sa mga ito.










