Sumiklab ang sunog sa isang bahay sa Barangay San Vicente, bayan ng Alcala, Pangasinan bandang ala-una ng tanghali ngayong Undas.
Ayon sa mga saksi, pagmamay-ari umano ng pamilya Oria ang bahay na nasunog.
Sa ngayon, hindi pa tukoy ang sanhi ng sunog at ang halaga ng pinsalang iniwan nito.
--Ads--
Wala namang naitalang nasaktan o nadamay na iba pang bahay sa insidente.
Kaugnay nito, nagpaalala ang Bureau of Fire Protection o BFP sa publiko na tanggalin sa saksakan ang mga appliances, patayin ang mga nakasinding kandila at tiyaking nakasara ang mga kalan bago umalis ng bahay upang maiwasan ang sunog.










