Nanindigan ang kampo ni Senator Ronald “Bato” Dela Rosa na hindi ito umalis o inabandona ang kaniyang opisina.

Kasunod ito sa ethics complaints na kinakaharap ng Senador dahil sa matagal ng pagliban nito sa trabaho.

Ayon kay Atty. Israelito Torreon ang abogado ng Senador, nananatiling bukas ang opisina nito at mayroong mga nakatalagang tao.

--Ads--

Hindi lamang ito dumadalo ng personal sa mga session dahil sa nahaharap ito ng pag-aresto para dalhin sa International Criminal Court (ICC).

Mula pa kasi noong 2025 ay madalang ng nakita sa publiko ang Senador.

Panandalian lamang itong nakita sa publiko ng dumalo siya sa session noong buwan ng Mayo.

Naniniwala si Torreon na ang Committee sa Senado ay maglabas ng desisyon ukol sa nasabing usapin na ito ay base sa panuntunan at ng ebidensiya.

Maari lamang aniya na disiplinahin si Dela Rosa sa patakaran na ipinapatupad kung saan ang panuntunan ng Committee ay hindi nasasakop nito kaya walang anumang nalabag.

Noong Nobyembre 19 ay natanggap ng opisina ni Senator Dela Rosa ang reklamo.

Dagdag pa ni Torreon na nakapagbigay na sila ng kasagutan at tinanong nito kung mayroon pang ibang mga affidavits na darating dahil sa mayroong lima sa siyam na reklamo ang naisumiteng affidavits.

Natitiyak din nito na maghahain ang Senador ng kaniyang kasagutan sa itinakdang panahon ng Comiittee.