Nakatanggap ng tulong na bigas ang mga benepisyaryo mula sa pitumpu’t tatlong barangay sa bayan ng Malasiqui sa isinagawang Ceremonial BBM Rice Distribution Project.
Idinaos ang pamamahagi sa Arenas Civic Center sa pangunguna ni Municipal Mayor Alfe M. Soriano, katuwang ang Municipal Social Welfare and Development Office o MSWDO at Department of the Interior and Local Government o DILG ng Malasiqui.
Ang naturang proyekto ay programa ng pambansang pamahalaan sa ilalim ng Office of the President na naglalayong maihatid ang tulong sa iba’t ibang barangay at mas maraming mamamayan.
Sa pamamagitan ng pamamahagi, naipararating ang suporta ng pamahalaan sa mga pamilyang kabilang sa mga benepisyaryo sa bawat komunidad.
Patuloy namang nakikipagtulungan ang lokal na pamahalaan ng Malasiqui sa mga kinauukulang tanggapan upang maihatid ang mga programa at serbisyong inilaan para sa mga mamamayan.










