Dagupan City – Namahagi ng libreng flu vaccine ang HOPE Foundation at lokal na pamahalaan ng Bayambang sa daan-daang residente bilang proteksyon laban sa trangkaso.

Ayon sa Rural Health Unit (RHU), 500 flu shots ang inilaan para sa programa, kabilang ang 304 LGU employees na nabakunahan nitong Disyembre at Enero.

Dahil umaabot sa P1,500 ang halaga ng flu vaccine sa pribadong ospital, malaking tulong ito sa mga residente. Patuloy namang hinihikayat ang publiko na magpabakuna upang mapanatili ang kalusugan ng buong komunidad.

--Ads--