Dagupan City – Nagbigay-pugay ang lokal na pamahalaan ng San Carlos City sa ika-130 anibersaryo ng kapanganakan ng yumaong si dating House Speaker Eugenio Perez sa pamamagitan ng isang floral at wreath-laying ceremony sa San Carlos City Plaza.

Isinagawa ang simpleng paggunita kaninang umaga sa harap ng bronze bust ni Perez, kung saan nag-alay ng mga bulaklak at wreath ang mga opisyal at kawani ng pamahalaang lungsod bilang pagkilala sa kanyang buhay at naging serbisyo sa bansa.

Pinangunahan ang aktibidad ni City Mayor Julier C. Resuello, kasama si Vice Mayor Joseres S. Resuello, mga miyembro ng Sangguniang Panlungsod, mga kawani ng lokal na pamahalaan, at mga kinatawan mula sa iba’t ibang national government agencies.

--Ads--

Layunin ng paggunita na sariwain ang mga naging ambag at iniwang pamana ni Speaker Eugenio Perez, na patuloy na kinikilala bilang bahagi ng kasaysayan ng San Carlos City.

Sa pamamagitan ng naturang seremonya, muling binigyang-diin ng lokal na pamahalaan ang kahalagahan ng pag-alala sa mga personalidad na nagkaroon ng mahalagang papel sa paglilingkod sa bayan at sa sambayanang Pilipino.