Dumanas na ang Milwaukee Bucks ng 12 pagkatalo sa pagsisimula ng season matapos itong muling yumuko sa Orlando Magic, 107 – 99.

Hindi nahabol ng Bucks ang 15-point 1st-half lead ng Magic sa kabila ng strong 2nd-half performance ng koponan, at tuluyang dinanas ang 8-point loss sa pagtatapos ng match.

Nasayang ang 14-11 double-double ni Bucks center Myles Turner, kasama ang 22 points ng bagitong reserve na si Jaime Jaquez Jr., dahil sa pawang negatibong (-) performance ng mga player ng Milwaukee.

--Ads--

Muli namang gumawa ng 35-point performance ang bagitong Magic forward na si Franz Wagner mula sa 13 field goals na kaniyang naipasok. Gumawa rin siya ng 12 assists at siyam na rebounds sa loob ng 36 mins na paglalaro.

Maliban kay Wagner, maganda rin ang ipinamalas ng guard na si Desmond Bane matapos siyang kumamada ng 21 points. 18 points dito ay mula sa anim na 3-pointers na kaniyang ipinasok.

Naging malamiya ang performance ng Bucks sa at hindi ito nakahanap ng pantapat sa ilalim ng paint, kaya’t sa loobng 48 mins, tanging 26 points lamang ang nagawa ng koponan dito.

Sinamantala rin ng Magic ang maraming turnover ng Bucks para kumamada ng maraming points, kasama ang mabilisang transition offense.

Nagsisilbing isa sa pinakakulelat na team ang Bucks sa pagsisimula ng season, hawak ang 1-12 na win-loss record habang hawak naman ng Orlando ang 5-7 na kartada.