Dagupan City – ‎Nakatakdang tumanggap ng combine harvester na nagkakahalaga ng P1.79 milyon ang Anolid Guantang Farmers Association sa Mangaldan, Pangasinan mula sa Department of Agriculture.
‎
‎Nilagdaan ang Memorandum of Agreement sa pagitan ng asosasyon at ng Department of Agriculture – Philippine Postharvest and Mechanization sa Pangasinan Research and Experiment Center sa Sta. Barbara, Pangasinan.
‎
‎Dinaluhan ang MOA signing ng mga kinatawan ng Municipal Agriculture Office at ng pamunuan ng asosasyon sa pangunguna ni Ronnie Tanate, bilang saksi sa pormal na pagkakaloob ng makinarya.
‎
‎Inaasahang nasa 143 magsasaka mula sa Anolid ang makikinabang sa bagong makinarya na layong mapabilis at mapagaan ang proseso ng pag-aani ng palay.
‎
‎Sa ilalim ng kasunduan, inaasahang maayos na magagamit at maalagaan ng asosasyon ang makinarya upang mapakinabangan ito nang pangmatagalan.
‎
‎Patuloy ang koordinasyon ng lokal na pamahalaan sa Department of Agriculture upang makapaghatid ng karagdagang suporta at tulong para sa mga magsasaka sa bayan.