BOMBO DAGUPAN – Nakaalis na umano sa Pilipinas si Suspended Bamban Tarlac Mayor Alice Guo.

Ito ang ibinunyag ni senator Risa Hontiveros matapos na nakatanggap ito ng impormasyon na nasa labas na ng bansa ang Alkalde kung saan may isang dokumento na nagpapatunay na pumasok sa Malaysia si Guo.

Pumasok ang alkade bandang 12:17:13 military time ng July 18, na nangangahulugang umalis ito ng Pilipinas ng gabi ng July 17.

--Ads--

Dagdag pa dito ay tumuloy si Alice Guo sa Singapore, kung saan nag tagpo tagpo sila ng kanyang magulang na si Lin Wen Yi at Guo JianZhong.

Saad ni Senator Hontiveros na hindi makakaalis si Alice Guo kung walang tumulong sa kanya na mga opisyales ng pamahalaan.

Nananawagan naman ito na sana ay magawan ng paraan, bilang isang institusyon at bansa ang paulit ulit na paglabag ng mga dayuhan sa ating mga batas, patakaran at proseso.