Sinimulan na ng gobyerno ng Malaysia ang pagpapauwi sa nasa 5,000 na mga asylum seekers mula sa Myanmar.

Ang nasabing hakbang ay base sa kontrobersyal na kasunduan sa pagitan ng Malaysia at Myanmar military ruler na si Min Aung Hlaing.

Una ng umalis ang tatlong barko Myanmar navy patungo sa Malaysia na may laman na 1,476 returnees.

--Ads--

Itinuturing naman ng Malaysia na ang repatration ay boluntaryo subalit pinagbawala nila ang United Nations refugee agency na suriin ang mga returnees matapos na sila ay ikulong.

Paglilinaw ni Malaysian Prime Minister Anwar Ibrahim na wala na itong nagawa kung hindi makipag-negosasyon sa Myanmar dahil sa dumadami na ang populasyon ng Muslim Rohingya sa kanilang bansa.

Magugunitang maraming mga Rohingya Muslims ang lumikas sa Myanmar dahil sa ipinatupad nila na military operasyon na tinawag ng United Nations bilang genocide.