Umabot sa 5,600 job vacancies ang inalok sa mega job fair na isinagawa sa Pangasinan Provincial Capitol, bilang bahagi ng nationwide job fair caravan ng Office of Senate President Win Gatchalian, katuwang ang Department of Labor and Employment at ang Public Employment Service Office. Ayon kay Ruby Reyes, Constituent service officer mula sa opisina ng Senate President, May kabuuang 19 na employer ang lumahok sa Pangasinan, kung saan 17 ang local at 2 ang overseas.
Isa sa mga naging magandang kuwento sa job fair ay ang aplikanteng si Kenneth na agad na natanggap sa trabaho. Aniya, Hindi niya inaasahan na sa pagtatangkang maghanap ng trabaho ay agad siyang makakakuha ng trabaho at makakauwi ng magandang balita sa kanyang pamilya. Para sa kanya, malaking ginhawa ang pagkakatanggap niya dahil hirit niya, hindi na siya magiging pabigat sa kanyang pamilya, at nagpasalamat siya sa DOLE at sa PESO sa pagbibigay ng oportunidad na makapag-apply nang direkta sa mga employer.
Dumalo rin sa job fair ang isang PWD job seeker na si Monica, na patuloy na naghahanap ng trabaho mula pa noong 2021. Ayon sa kanya, mayroon siyang retinitis pigmentosa,, kaya nahihirapan siyang maghanap ng trabaho dahil sa hirap magbasa ng mga papel at dokumento.
Layunin ng programa na tugunan ang mataas na unemployment rate sa bansa, na ayon sa Philippine Statistics Authority noong Setyembre 2026 ay nasa 5.4 porsyento, sa pamamagitan ng direktang pag-uugnay sa mga job seeker at employer.










