BOMBO DAGUPAN- Nakarating na sa Israel si US Secretary of State Antony Blinken para itulak ang ceasefire at hostage-release deal sa Gaza.

Ito ang ika-siyam na pagpunta ni Blinken sa Israel simula nang sumiklab ang kaguluhan sa Israel noong Oktubre ng nakaraang taon.

Makailang beses na rin niya itong isinulong sa pagitang ng Hamas at Israel.

--Ads--

Positibo naman ang US at Israel sa nasabing peacedeal simula pa noong nagpatuloy ang pag-uusap ng mga mediator sa Doha, gayunpaman, tila’y hindi na niniwala pa ang Hamas sa nasabing deal.