Naniniwala ang kampo ni Sen. Bato na may iba pang mas mahahalagang bagay na dapat pagtuunan ng pansin ang pamahalaan kaysa ang isyu o planong pag-aresto sa mambabatas.
Ayon kay Atty. Israelito Torreon, legal counsel ng senador, posibleng nagagamit ang isyu bilang parte ng ‘political circus’ para mabaling ang atensyon ng publiko mula sa tunay na mga problema ng bansa.
Sana aniya’y hindi malimutan ang kontrobersyal na maanomalyang flood coontrol projects, problema sa ilegal na droga at iba pa.
Ito raw ang dapat pinag-uusapan o bigyan importansya na maresolba ng gobyerno at hindi umano ang Impeachment Trial ng bise presidente at pag-aresto sa senador.
Si Senador Bato Dela Rosa ay hindi pa rin naaaresto at patuloy na pinaghahanap ng mga awtoridad buhat nang maisyuhan ng ‘arrest warrant’ mula International Criminal Court.
Isa siya sa mga pinangalanan ‘co-perpetrator’ ni dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte dahil sa pagpapatupad ng madugong ‘war on drugs’ ng makaraan administrasyon.
Kapwa nila kinakaharap ang kasong ‘crimes against humanity’ sa naturang International Tribunal, ngunit tanging ang dating pangulo lamang ang nasa The Hague, Netherlands.









