BOMBO DAGUPAN – Nasawi ang 43-anyos na Overseas Filipino Worker matapos na pagbabarilin sa bayan ng Malasiqui.

Ayon kay PCapt. Renan Dela Cruz, Public Information Officer ng Pangasinan PPO nangyari ang insidente kahapon ng hapon (Hulyo 7, 2024) habang binabaybay nito ang kakalsadahan sa bahagi ng barangay Poblacion sa nasabing bayan.

Sa kasalukuyan, inaalam pa rin kung ano ang motibo ng krimen at kung sino ang nasa likod nito.

--Ads--

Paalala naman nito sa publiko, kapag may nangyaring insidente gaya ng nabanggit ugaliing itawag at ipabigay alam ito agad sa kanialng himpilan nang sa gatyon ay agad na maaksyunan ang insidente.

Samantala ayon naman kay PLt. Edison Zapanta, Chief Investigator, Malasiqui PNP na mayroon ng person of interest ukol sa pangyayari at kasalukuyang nagsasagawa ang mga imbestigador ng follow-up investigation.

Kaugnay nito ay kakauwi lang daw ng biktima sa Pilipinas noong nakaraang buwan at balak lamang ayusin nito ang mga ari-arian na iniwan ng kanilang mga magulang.

Hindi naman alam ng mga kaanak nito ang dahilan kung bakit ito nangyari sakanya.

Nananawagan naman si PLt. Zapanta na kung sinuman ang may alam sa pangyayari ay makipag-ugnayan sa kanilang himpilan para mabigyan ng hustisya ang biktima.