Hindi bababa sa 8 ang nasawi sa Brazil dahil sa matinding pag-ulan na nagdala rin ng malakas na hangin.

Ayon sa National Institute of Meterorology, nakaranas ang Central at south-eastern Brazil ng hangin na umaabot ng 100km/h at pag ulan na umabot naman sa 10cm.

Pitong katao ang nasawi sa Sao Paulo sa nasabing bansa dahil sa pagbagsak ng mga pauno at imprastraktura dulot ng malakas na hangin at pagbagsak ng ulan.

--Ads--

Sinabi ng mga residente na hindi nila inaasahan ang saglit na malakas na pag-ulan.

Nawalan naman ng power supply ang malaking bahagi ng Sao Paulo kasabay ng mga problema sa suplay ng katubigan.

Habang isang sundalo ang nasawi sa Brasilia at isang sugatan sa headquarters ng military police.

Samantala, maatagal na rin umanong inaabangan ng mga ibang residente sa Brasilia ang pag-ulan dahil sa naranasang pinakamalalang tagtuyo.