DAGUPAN CITY- Hindi pa rin natatagpuan ang 59 taong gulang na mangingisda mula sa bayan ng Agno matapos itong maipaulat na nawawala noon pang Enero 26 taong kasalukuyan.

Ayon sa naging panayam kay Region 1 Office of the Civil Defense, Information Officer II, Freddie Evangelista, Enero 26 ng alas kwatro ng hapon gamit ang kanyang bangka na kulay sky blue ng pumalaot si Ariel Cantillo, 59 taong gulang, mangingisda, at residente ng Barangay Aloleng, sa naturang bayan.

Noong araw din na iyon ay nagbaba ang DOST-PAGASA ng gale warning na makakaranas ng malalakas na alon ang bahagi ng Northern Luzon.

--Ads--

Ayon kay Information Officer II, Evangelista na dalawang araw ang kanilang isinagawang Aerial Search and Rescue Operations (SAR) partikular na sa katubigang sakop ng Agno para sa paghahanap sa mangingisda ngunit hanggang sa kasalukuyan ay hindi pa rin ito natatagpuan.

Kwento pa nito na umabot pa sila ng 6.1 nautical miles cover sa pagsasaagwa parallel aerial search at malapit sa Botolan, Zambales.

Kaugnay din nito ang mahigpit na pagpapaalala sa mga mangingisda na iwasan ang pagpalaot sa tuwing masama ang panahon at may mga ibinababang gale warning ang mga awtoridad dahil aniya na maaring magdulot ito ng insidente.