BOMBO DAGUPAN – Arestado ang 40 taong gulang na Barangay Secretary sa bayan ng Mangatarem sa isinagawang Anti-Illegal Drugs Buy-Bust operation ng Mangatarem MPS.

Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay PMAJ. Arturo Melchor Jr. COP, Mangatarem PNP, kinilala ang suspek na si Roel Calma Sinlao, 40 taong gulang at residente ng Brgy. Gueteb sa bayan ng Urbiztondo.

Sa ginawang operasyon, nakumpiska ang dalawang piraso ng sachet na naglalaman ng hinihinilang shabu na may tinatayang timbang na 2.21 grams at SDP value na PhP15,028.00; isang P500 bill; isang cellphone; at isang motor na walang plaka.

--Ads--

Giit naman ng suspek na napag-utusan lamang siya ng isa niyang kabaranggay na magdala ng droga sa nasabing bayan at ang motor na nakumpiska ay pag mamay-ari rin umano ng nag utos sa kanya.

Sa kasalukuyan ay nasa kustodiya na ng kapulisan ang suspek para sa tamang disposisyon.

Samantala, nagpaalala naman ito na mariing ipagbigay alam agad sa kanila kung may kamag-anak o kakilala silang nasasangkot sa iliga na droga upang maidaan sa tamang proseso ng rehab.