Umakyat na sa hindi bababa sa 32 ang nasawi at mahigit 700 ang sugatan matapos yanigin ng magkasunod na malalakas na lindol ang Venezuela.

Ayon sa United States Geological Survey (USGS), isang magnitude 7.2 na lindol ang unang tumama malapit sa Caracas na agad sinundan ng magnitude 7.5 wala pang isang minuto ang nakalipas.

Nagdulot ito ng pagbagsak ng maraming gusali sa kabisera at mga karatig-lugar.

--Ads--

Patuloy ang search and rescue operations habang pinangangambahang may mga taong nakabaon pa sa mga gumuhong istruktura.

Ayon sa Interim President ng Venezuela, hindi pa kasama sa opisyal na bilang ng mga biktima ang mga naapektuhan sa La Guaira, isa sa mga pinakamalubhang tinamaan ng sakuna.

Nagbabala naman ang USGS na posibleng umabot pa sa libo-libo ang bilang ng mga nasawi habang nagpapatuloy ang pag-assess sa lawak ng pinsala.