Naitala ang isang Minor na sugat sa binti ng driver ng motorsiklo sa nangyaring insidente ng banggaan ng isang motorsiklo at tricycle sa parte ng Rizal Street, Barangay Guiset Norte, bayan ng San Manuel.

Ayon sa paunang imbestigasyon, ang 22-taong-gulang na estudyante na walang suot na helmet ay minamaneho ang motorsiklo papuntang kanluran nang mabangga nito mula sa likod ang itim na tricycle na minamaneho ng isang 77-taong-gulang na residente rin ng San Manuel.

Kinilala ang driver ng motorsiklo bilang residente ng San Manuel, na hindi lasing ngunit walang dalang lisensya.

--Ads--

Agad na dinala ang magkabilang driver sa San Manuel Rural Health Unit (RHU) upang masuri ang kanilang kalagayan kung saan hindi naman nasaktan ang driver ng tricycle.

Patuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad upang matukoy ang eksaktong kalagayan ng mga nasirang sasakyan at kung may kailangang isampa na kaso.

Pinaalalahanan ng mga pulis ang lahat ng motorista na maging masunurin sa batas trapiko at magsuot ng tamang safety gear upang maiwasan ang mga ganitong uri ng aksidente sa hinaharap.