BOMBO DAGUPAN- Nasawi ang 2 taong gulang na bata matapos ang nangyaring salpukan ng truck at tricycle sa Calasiao, Pangasinan.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Plt. Col Ferdinand Lopez Officer-in-Charge, Calasiao PNP sakay ng tricycle ang limang kaanak nito na pauwi na sana sa Sta. Barbara samantala ang truck naman ay patungong east-direction.

Kinilala ang nagmamaneho ng tricycle na si PSSg. Mark Jessiam Guarin, 35 yrs old, kasal, PNP member na nakatalaga sa Calasiao MPS at residente ng Brgy. Tuliao, sa bayan nasabing bayan samantala kinilala naman ang nagmamaneho ng truck na si Feliciano Segundo residente naman ng Brgy. Anolid sa bayan ng Mangaldan.

--Ads--

Ani Lopez ay negatibo naman sa isinagawang AB test ang dalawa at pansamantalang nakakulong ang driver ng truck habang hinihintay ang pag-usad ng imbestigasyon.

Samantala, ay pinaalalahanan naman ni Lopez ang lahat na ugaliing mag-ingat sa pagmamaneho lalo na sa mga national highway dahil maraming dumaraan na mga truck dito.