Nasawi ang piloto at sakay nito sa pagbagsak ng isang cessna plane sa barangay Libsong East sa bayan ng Lingayen dito sa lalawigan ng Pangasinan.

Dead on arrival sa ospital ang 35 anyos na piloto at 25 anyos na student pilot.

Sa ekslusibong panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Nald Somera, saksi sa bumagsak na eroplano, pauwi na umano ito sa kanilang bahay nang makita ang eroplano sa himpapawid na pagiwang giwang, ngunit hindi naman aniya dumapo sa isip niya na babagsak ito.

--Ads--

Hanggang sa matapos ang 15 minuto, nabigla na lamang siya na may mga responders ang patungo sa lugar na pinangyarihan, at nang sundan ito, doon na nga tumambad ang bumagsak na eroplano.

Napag alaman na ang aircraft ay inooperate ng Pilipinas Space Aviation Academy Inc.

Patuloy pa ang imbestigasyon ng mga otoridad sa nangyaring insidente.