Mga kabombo! Isa ka ba sa mga nasa diet ngayon?
Baka ito na ang sign na i-check kung tama ba ang iyung paraan sa pag-diet?
Isang 16-anyos kasi na babae sa China ang muntik nang masawi dahil sa isang mapanganib na crash diet.
Ayon sa ulat, sa loob kasi ng dalawang linggo, gulay at laxatives lamang ang kanyang kinain.
Kinilala ito na si Mei. Dito na napag-alaman na bumagsak sa kritikal na lebel ang kanyang blood potassium, na nagresulta sa kondisyong tinatawag na “serious hypokalemia”.
Ayon sa mga doktor, ang hypokalemia ay life-threatening dahil maaari itong magdulot ng respiratory failure at biglaang atake sa puso o cardiac arrest.
Katwiran naman ng dalaga, ginawa niya ito sa kagustuhang magkasya ang kanyang birthday dress sa araw ng kaniyang kaarawan.