DAGUPAN CITY- Mga Ka-bombo! May plano ka na ba sa iyong kaarawan?
Alam mo na ba ang iyong gagawin sa isang natatanging araw ng iyong buhay?
Kung hindi pa, bakit hindi mo gayahin ang isang 104-taong-gulang na Lola mula New York, nang ipinagdiwang ang kanyang kaarawan sa kakaibang paraan – sa pamamagitan ng pagbisita sa lokal na kulungan.
Ayon sa Livingston County Sheriff’s Office, ipinahayag ni Loretta, residente ng Avon Nursing Home, ay nagnais na magsagawa ng tour sa Livingston County Jail upang ipagdiwang ang kanyang espesyal na araw.
Tinanggap ng Sheriff’s Office ang kanyang kahilingan at siya ay binigyan ng tour sa kulungan.
Bago ang kanyang tour, nagdaos ng coffee at cake celebration ang opisina para sa kanya.
Ayon sa mga opisyal, ibinahagi ni Loretta ang sikreto sa mahabang buhay.
Na-enjoy naman ni Loretta ang tour at nagpasalamat sa mga opisyal ng kulungan sa pagsasakatuparan ng kanyang kahilingan.