DAGUPAN CITY-Patuloy ang isinagawang Brigada Eskwela sa West Central Elementary School, bilang bahagi ng paghahanda para sa nalalapit na pagbubukas ng school year 2025-2026.

Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Renato Santillan, Principal IV ng West Central Elementary School, ibinahagi niya na aktibo pa rin ang kanilang Brigada Eskwela bilang bahagi ng paghahanda para sa pagbubukas ng klase ngayong school year.

Aniya, tuloy-tuloy ang mga aktibidad simula nang ilunsad ang Brigada Eskwela, at sa mga nalalabing araw bago ang pasukan ay nakatuon sila sa kalinisan at ayos ng mga silid-aralan na gagamitin ng mahigit 1,600 estudyante.

--Ads--

Kailangan pa talaga aniya ng dagdag na volunteers dahil sa dami ng classrooms ang kailangang linisin.

Dagdag niya, tumatanggap din sila ng mga transferees, dahilan ng pagtaas ng bilang ng enrollees ngayong taon.

Bukod sa mga magulang at guro, may mga NGO rin na tumutulong sa pamamagitan ng pagbisita at pagbibigay-suporta sa mga proyekto ng paaralan.

Patuloy ang panawagan para sa mga boluntaryo upang matulungan ang paaralan sa maayos na pagsisimula ng klase.

Naniniwala siya na sa tulong ng komunidad, mas magiging handa ang West Central Elementary School sa pagbabalik ng mga mag-aaral sa kanilang mga silid-aralan.