Pormal nang binuksan at binasbasan ang bagong Mabini Police Station sa Brgy. Poblacion, Mabini, Pangasinan bilang bahagi ng pagpapalakas ng serbisyo at seguridad sa komunidad.
Pinangunahan ang aktibidad ni PBGEN Dindo R. Reyes, Regional Director ng PRO 1, kasama ang mga lokal na opisyal at mga opisyal ng PNP, na nagpapakita ng pagtutulungan para sa mas epektibong community-centered policing.
Isinagawa ang ribbon-cutting at turnover ng susi bilang hudyat ng opisyal na pagbubukas ng pasilidad, na inaasahang magpapahusay sa police visibility at pagpapatupad ng batas sa bayan.
--Ads--
Layunin ng bagong istasyon na mailapit ang serbisyo ng kapulisan at mapalakas ang tiwala ng publiko tungo sa mas ligtas at maayos na komunidad.










