Hindi kailanman maliit ang pangarap, lalo na kung ito ay nanggagaling sa pusong may paniniwala at determinasyon.
Sa mundong puno ng pagsubok at pag-aalinlangan, isa sa mga nagpapatunay na may pag-asa ay si Tina, isang miyembro ng LGBTQIA+ community na dinala ng kanyang pangarap mula sa makeup brush hanggang sa sariling negosyo.
Nagsimula ito bilang isang makeup artist hanggang sa napansin nitong parang hindi consistent ang kita ng pag freelance makeup artist kaya naisipan nitong makipagsapalaran at sumugal sa negosyo.
Pinasok nito ang mundo ng pagsasalon hindi bilang isang impliyado kundi bilang isang owner.
Aniya, kahit walang ganoon kalaking budget, pinili nito ang pagtatayo ng sarilling salon hanggang sa tuluyan na nga itong nagbunga.
Matapos nitong magtagumpay bilang isang salon owner, hindi dito natigil at pinili pa niyang bumuo muli ng isa pang negosyo. At ito ay ang pagiging isang owner ng isang men’s collection.
Pagbabahagi pa niya, dati na itong naghahandle ng mga wedding ngunit dahil sa dami na rin ng kaniyang pinagkakaabalahan, pinili niyang ipamigay na lamang ang bride/ladies wear sa kaniyang mga kapwa sa LGBTQIA+ Community para makapagfocus sa men’s wear.
Hinggil naman sa pagpili ng mga isusuot, nagbibigay rin siya ng payo sa mga magrerenta at sa katunayan, siya na rin ang nagsisilbing official Wardrobe sqa mga events partikular na sa mga unibersidad.
Sa kabila nito, ibinahagi naman ni Tina ang isa sa pinakamalaking pagsubok na naranasan.
Aniya, isa rin siya sa mga lumubog ang negosyo noong pandemya. Kaya isa sa kaniyang ginawang hakbang para mapanatili ang negosyo sa merkado ay ang makipagsabayan sa paagpapababa ng presyo.
Samantaala, matapos malampasan lahat ng pagsubok, ibinahagi nito ang kaniyang nararamdamang tuwa sa lahat ng kaniyang mga naabot dahil aniya, isa lamang din siyang simpleng tao na mayroong pangarap at iyun ay ang magkaroon ng stable na income at pamumuhay.
Payo nito sa mga nangangarap, mangarap ka para sa sarili mo at huwag para may ipagmalaki sa ibang tao.
Binigyang diin din nito na dapat ay palaging sentro ang Panginoon sa lahat ng bagay upang magtagumpay sa buhay.