DAGUPAN, City- Pormal nang nasampahan ng kasong murder ang suspek sa pagpaslang sa isang 39-anyos na guro na si Mark Lagleva na kalauna’y natagpuang palutang-lutang ang wala ng buhay at naaagnas nang katawan nito sa Linoc River sa Brgy. Linoc, Binmaley, Pangasinan.

Ayon kay PMaj. Ria Tacderan, Public Information Officer ng Pangasinan PNP, naisampa na sa piskalya noong Enero 28 ang nabanggit na kaso laban sa 22 taong gulang na suspek ilang araw matapos matuklasan ang bangkay ng biktima.

Aniya, maituturing na “collective effort” sa pagitan ng hanay ng mga otoridad at ng kumunidad ang pagkakahuli sa suspek.

--Ads--

Sa ngayon ay nasa in-denial stage pa rin ang suspek sa naturang krimen bagaman tinitignan pa ang posibilidad na maaring may kasabwat pa ito sa pagpaslang sa biktima.

Matatandaang Enero 26 nang matagpuan ang bangkay ng biktima sa isang ilog sa nabanggit na lugar.