Dagupan City – Tumutol ang mga parokyano ng St. John the Evangelist Parish sa planong pagtatayo ng nuclear power plant sa lalawigan ng Pangasinan dahil sa pangambang dulot nito sa kaligtasan at kalikasan.
Nagpahayag ng kanilang saloobin ang grupo sa pamamagitan ng sama-samang paglagda sa isang petisyon bilang malinaw na pagtutol sa proyekto.
Para sa kanila, hindi lamang kasalukuyang henerasyon ang maaaring maapektuhan kundi maging ang mga susunod pa, sakaling ituloy ang pagtatayo ng planta.
Iginiit din nila na maaaring magdulot ito ng pangmatagalang pinsala sa kapaligiran at kalusugan ng tao na mahirap nang maibalik sa dati.
Sa halip na nuclear energy, hinikayat nila ang pamahalaan na pagtuunan ng pansin ang mas ligtas at makakalikasang mapagkukunan ng enerhiya gaya ng renewable sources.










