Bumuo na ng ‘special panel of prosecutors’ ang Department of Justice upang maglunsad ng imbestigasyon ukol sa mga insidenteng nangyari sa Senado nitong linggo.
Sa muling pagharap ni Justice Secretary Fredderick Vida sa publiko matapos ang pananatiling tahimik sa kabila ng mga isyu, kanyang inanunsyo ang naturang pagbubuo ng espesyal na grupo.
Layon aniya sa ‘special panel’ ng kagawaran na magkaroon ng koomprehensibong ‘case-buildup investigation’ para masuri at maimbestigahan maigi ang mga naganap sa loob o paligid ng Mataas na Kapulungan ng Kongreso.
Ayon sa kalihim, pahihintulutan ang mga piskal nakatalaga sa grupo na mabigyan otoridad o kapangyarihan para mag-isyu ng ‘subpoena’ at iba pa kung kinakailangan.
Dahil rito’y ipinag-utos ni Justice Sec. Vida sa mga alagad ng batas o ‘law enforcement agencies’ na isumite sa kagawaran ang ebidensyang hawak o nakalap sa mga nangyari sa Senado.
Partikular na kanyang inatasan makipagtulungan ang Philippine National Police-Scene of Crime Operatives, National Capital Regional Police Office, Pasay City Police Station at National Bureau of Investigation.
Ang mga nabanggit na ahensya ay binigyan ng 48-oras ng kalihim para ipreserba at isumite sa tanggapan ang mga ebidensya may kaugnayan sa mga nangyari sa ‘Senate Complex’ nitong ika-11 hanggang ika-13 ng Mayo.
Bukod sa mga pinangalanan ahensya, inatasan rin ng Department of Justice ang Office of the Senate Sergeant-at-Arms sa pamamagitan ng opisina ni Senate President Alan Peter Cayetano na isumite sa kanila ang naging ulat sa mga insidente.
Kabilang na rito ang pagpasa o turn-over sa tanggapan ng mga ebidensya hawak katulad ng CCTV footages, ballistic and paraffin examination results, deployment records, communication logs, incident reports, witness statements at iba pa.
Maliban sa mga awtoridad, hinimok ng kalihim ang publiko at mga miyembro ng medya na makipag-ugnayan sa ‘special panel of prosecutors’ sakaling mayroon din hawak na ebidensya.
Aniya’y maari nila itong isumite sa kagawaran lalo na’t kung makatutulong sa inilunsad na komprehensibong ‘case-buildup investigation’.










