Dagupan City – Nagbigay ng donasyon ang Singapore Red Cross sa mga biktima ng bagyong Carina sa bansa na umaabot sa oP2.95 milyon.

Ito ang kiinumpirma ni House Speaker Martin Romualdez kung saan tiyak na maraming mga mamamayan na nasalanta ng bagyo ang matutulungan ng nasabing halaga.

Sa datos na inilabas ng National Disaster Risk Reduction Management Council (NDRRMC) umabot na sa higit 3.6 milyong katao ang naapektuhang ng nasabing bagyo.

--Ads--