Mga kabombo! Sabi nga nila lahat ng sobra ay bawal.

Kaya dapat ay huwag sanayin ang extreme diet.

Gaya na lamang ng ginawang practice ng tinaguriang si “self-discipline goddess”, dahilan kung bakit muntik na itong masawi!

--Ads--

“Si self-discipline goddess”, 25-anyos na female influencer sa China ay na-diagnose sa acute pancreatitis matapos ang anim na buwan na pagkain lamang ng boiled chicken breast at cauliflower.

Base sa ulat, sa loob ng kalahating taon, wala siyang ibang kinain kundi nilagang manok at cauliflower. Wala itong mantika, asin, o anumang flavoring.

Bagama’t nakuha niya ang gustong timbang, naka­ranas siya nang matinding side effects tulad ng pang­hihina, madaling mapagod, at panunuyot ng balat.

Binalewala niya ang mga ito hanggang sa maka­ramdam siya nang matinding abdominal cramps na naging dahilan ng kanyang pagkaospital.

Lumabas sa pagsusuri ng mga doktor na ang kanyang serum amylase level ay 10 beses na mas mataas sa normal.

Ang amylase ay isang enzyme na tumutulong sa pagtunaw ng pagkain.

Dahil sa sobrang restrictive at low-fat ng kanyang diyeta, naipon ang mga enzyme secretions sa kanyang pancreas at sa halip na pagkain ang tunawin, sinimulan nitong “tunawin” o i-digest ang sarili nitong organ.

Ito ang nagdulot nang matinding pamamaga o acute pancreatitis.

Dahil sa pangyayari, nagpaalala ang mga doktor na bagama’t healthy ang manok at gulay, hindi sapat ang mga ito para ibigay ang lahat ng nutrisyon na kailangan ng katawan.

Ang sob­rang pag-iwas sa fats ay nakasassama sa normal na secretion ng digestive enzymes.