Mariing kinondina ng Sangguniang Panlalawigan ng Pangasinan ang pagpatay sa isang 7 taong gulang na bata na natagpuan sa Tondaligan Beach, Brgy. Bonuan Gueset, Dagupan City.

Ayon kay Pangasinan vice governor Mark Ronald Lambino, sila ay nakikiramay at nakikisimpatya sa pamilya ng biktima.

Hinihiling naman ni Lambino sa publiko na bilang respeto sa pamilya ay itigil na ang pag shi- share ng mga larawan ng insidente.

--Ads--

Sa ngayon ay patuloy pa rin ang imbestigasypn at umaasang mabibigyan ng hustisya ang pagkamatay ng bata.

Matatandaan na kamakailan ay natagpuan ang nasabing katawan ng 7 taong gulang na batang babae sa nasabing dalampasigan.

Kasalukuyan nang nakakulong ang suspek habang patuloy pa ang imbestigasyon.

Muling nagpaalala ang PNP na huwag hayaang maging biktima ang mga bata, gawing ligtas ang komunidad sa pamamagitan ng pagbabantay at maagap na pag-uulat ng kahina-hinalang kilos sa paligid.