Dagupan City – Inikot ng mga tauhan ng Police Community Affairs and Development (PCAD) ng San Carlos City Police Station ang iba’t ibang resort sa syudad bilang bahagi ng kanilang Oplan Bandillo kaugnay ng Ligtas SUMVAC 2026.

Pinangunahan ang aktibidad sa ilalim ng pamumuno ni PLTCOL Zaldy C. Fuentes, hepe ng pulisya, upang paigtingin ang kampanya sa kaligtasan at kaayusan ng publiko sa panahon ng Semana Santa.

Sa isinagawang pag-iikot, nagpaalala ang mga pulis sa mga residente at turista hinggil sa mga hakbang sa pag-iingat, kasabay ng pagpapalakas ng ugnayan sa komunidad upang maiwasan ang krimen at iba pang insidente sa mga pasyalan.

--Ads--

Patuloy naman ang pagpapatupad ng San Carlos City Police

Station ng mga hakbang sa seguridad bilang paghahanda sa inaasahang pagdagsa ng mga bakasyunista ngayong Semana Santa.